BABALA: SENSITIBONG BALITA!
NAKAWAN SA CABANATUAN CITY, NABIGO; 1 SUSPEK, NANLABAN, PATAY
Nabigo ang dalawang suspek sa pagnanakaw sa isang bahay sa Brgy. Sumacab Este, Cabanatuan City noong November 17, 2024.
Kinilala ang napatay na suspek na si alias Bukol, at ang kasama nitong trentay nueve anyos na suspek na naaresto ay hindi pinangalanan.
Base sa report ng PIO-NEPPO, alas tres ng madaling araw nang tumawag ang biktima at nanghingi ng tulong sa police station.
Mabilis na rumesponde ang mobile patrollers kaya nahuli sa akto ang dalawa na nagnanakaw sa loob ng bahay.
Nagtangkang tumakas sa rooftop ang mga ito at pinaputukan umano ang tumutugis na pulis kaya gumanti ito at tinamaan si Bukol na naging sanhi ng kagyat nitong kamatayan.
Narekober umano ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang dalawang caliber .38 revolver na baril.

