Agad na inalis sa puwesto ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang ilang pulis na naiugnay sa insidente ng ₱14-milyong pagnanakaw sa Brgy. Sta. Cruz, Porac, Pampanga, bilang bahagi ng karaniwang proseso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Kaugnay nito binuo rin ang isang Special Investigation Task Group (SITG) upang magsagawa ng mas malalim na pagsisiyasat at tiyaking matibay ang kasong isasampa.

Mariing iginiit ng PRO3 na hindi kukunsintihin ang sinumang pulis na aabuso sa tungkulin.