NAMI COFFEE SHOP: A SIP OF JAPAN, A BREATH OF NATURE
Sa lungsod ng Science City of Munoz ay matutuklasan ang Kapihan na hindi kinakailangan ng bagahe at visa dahil tunay na dadalhin ka sa isang Japan vibes na kapihan.
Ang kanilang inumin at pagkain ay may hango rin sa bansang Japan na kung saan ay tunay na malalasahan, Tampok ang iba’t ibang timpla ng matcha na sa kanila ay masusubukan. Kanilang mga hinahandang pastries ay talagang Wow dahil sa lasa at itsura ay pagkaing hapon ang madarama. Bibida ang masayang karanasan dahil habang kumakain ay mayroong magandang tanawin. Malinis, puting kulay at minimal na kaayusan na naging konsepto ng kapihan dahil ganito ang madalas na disenyo sa bansang Japan.
Salaysay ng Barista, ang mga naging inspirasyon ng owner sa pagbuo ng konsepto ng Nami Coffee Shop at mga kadahilanan sa likod ng kakaibang pamamaraan na kanilang ginagawa sa kapihan.

