BABALA! SENSITIBONG BALITA:
NANGANGATAY NG BAKA, ARESTADO SA CABANATUAN CITY
Huli umano sa aktong kinakatay ng isang kwarentay-kwatro anyos na lalaki ang isang baka na nagkakahalaga ng Php80,000.00 na nakasuga sa bukid sa Calle Vicente, General Tinio Junction, Brgy. Sumacab Sur, Cabanatuan City.
Base sa report ng kapulisan, ang suspek ay construction worker at residente ng Purok Uno, Brgy. Laboy, Dipaculao, Aurora.
Habang ang biktima na may-ari ng baka ay kinilalang si Arman De Luna, 51 years old at isang magsasaka.
Tinangka umanong tumakas ng suspek ngunit nadakip siya ng mga rumespondeng pulis at mga barangay tanod.
Sinampahan siya ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 533 (Anti-Cattle Rustling Law of 1974) sa tanggapan ng piskalya ng nasabing lungsod.

