Napuno ng nakatatawang komento mula sa mga netizen ang video post ng tiktoker na si Stephie sa naging karanasan niya sa pagsakay ng jeepney dahil hindi niya alam kung paano ipapaabot sa driver ang kanyang bayad sa kasunod na pasahero na isang foreigner.

Kaagad namang sumaklolo ang mga netizen na may malilikot ding kaisipan at nagbigay ng mga kwelang mga sagot sa kanya.

Ilan sa kanila ay nagsabi ng “pass this, or I will pass out”, “subtract the money from my hand”, “pass the message”, “please get 1 and pass”, “take this, and leave my son alone.”

Mula dito ay humirit din ang iba ng kanilang entry sa English translation ng paki-abot ng bayad, may nagsabi ng “please give this to whom it may concern”, “please let go the money to its destination”, “: please proceed to the counter.”

Mayroon namang nagsuggest na ipasa na lamang niya ang bayad niya sa isa pang Pinoy na katabi niya para siya na daw ang mamoroblema ng sasabihin.

Habang ang iba naman ay nagsabing bumaba na lamang siya ng jeep at lumipat ng sasakyan.

Humingi naman ng update ang iba at tinatanong kung nakababa na ba ng jeep ang uploader at may mga sumagot naman na hanggang ngayon daw ay nasa byahe pa at hindi pa nakakababa si Stephie.

Mayroon nang 6million views, mahigit 359k reactions at mahigit 14k shares ang video sa tiktok.