Pagkakaisa sa SCUAA III Regional Meet
Makalipas ang labindalawang taon, muling naging sentro ng sports ang Nueva Ecija para sa SCUAA III Regional Meet 2026.
Ginanap ang opening ceremony sa NEUST Grandstand, Cabanatuan City, kung saan nagtipon ang labintatlong unibersidad mula sa Gitnang Luzon.
Sa temang “Central Luzon: Soaring with Strength, Spirit, and Solidarity,” nagpakitang-gilas ang mga delegates sa isang parada.
Bukod dito, sinalubong sila ng bench yell at mga chants mula sa mga estudyante ng NEUST.
Ibinida rin sa seremonya ang mga world-class na performance mula sa NEUST Cultural Group at Freshmen Phoenixes.
Samantala, nagbigay ng prestihiyosong silent drill exhibition ang mga kadete mula sa Philippine Marine Merchant Academy.
Suporta ng Pamahalaan sa SCUAA III Regional Meet
Ayon kay NEUST President Dr. Rhodora Jugo, naging puspusan ang kanilang paghahanda para sa malaking kompetisyong ito sa probinsya.
Pinasalamatan din niya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pagpapahiram ng mga de-kalidad na pasilidad para sa mga manlalaro.
Binigyang-diin naman ni dating Vice Governor Doc. Anthony Umali na ang layunin ng palaro ay pagkakaisa at hindi lamang medalya.
Dagdag pa niya, ito ang tamang panahon upang ipakita ang husay ng mga atletang Pilipino sa buong rehiyon.
Labanan Hanggang Biyernes
Samantala, hangang-handa na ang mga manlalaro mula sa iba’t-ibang unibersidad matapos ang ilang buwan na puspusang pagsasanay.
Naniniwala ang mga kalahok na ang kanilang disiplina at tamang mindset ang magdadala sa kanila sa inaasam na kampeonato.
Magpapatuloy at tatagal ang SCUAA III hanggang Biyernes, February 27, 2026.

