Northern Mindanao, Kabilang na sa Trillion-Peso Economy Club

Umabot sa ₱1.04 trilyon ang ekonomiya ng Northern Mindanao noong 2024, mula ₱985 bilyon noong 2023, at nagtala ng 6% growth, ayon sa Department of Economy, Planning and Development.

Kabilang na ngayon ang rehiyon sa anim na trillion-peso economies ng bansa at ika-anim na pinakamabilis lumago sa 18 rehiyon.

Pinangunahan ng Industry sector ang pag-angat sa 7.5% growth, habang bahagyang bumagal ang Services sector sa 7.4% at halos walang galaw ang Agriculture sa 0.05% dahil sa El Niño.

Lahat ng limang lalawigan at dalawang lungsod sa rehiyon ay nagtala ng paglago noong 2024.

Pinakamabilis ang Iligan City (8.8%), sinundan ng Camiguin (8.6%), Misamis Occidental (7.5%), at Cagayan de Oro (6.8%).

Nanguna ang Bukidnon sa agrikultura, Misamis Oriental sa industriya, at Cagayan de Oro City sa serbisyo.

Tumaas din ang per capita GRDP ng rehiyon sa ₱200,000, pangatlo sa pinakamataas sa bansa.

Patuloy namang itinuturing ang Northern Mindanao bilang matatag na sentro ng paglago at oportunidad sa Mindanao.