NOVO ECIJANO NA SI DASHING LEMON, MERLIN AWARD GRAND PRIX WINNER SA THAILAND MAGIC EXTRAVAGANZA

Nakuha ng isang Novo Ecijano ang isang prestiyosong award na Merlin Award Grand Prix sa senior category sa katatapos lang na Thailand International Magic Extravaganza 2023 na Ginanap sa Bangkok Thailand.

Ang Merlin Award, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng International Magicians Society (IMS) para sa mga Magician mula sa buong mundo, na nagniningning sa isang pambihirang palabas at kakaibang imahinasyon.

Ang criteria para makuha ang boto ng mga miyembro ay ang kanilang talento, showmanship, originality, skills, and above all the rare ability to entertain under any conditions.

Ang Merlin Award sa magic ay katumbas na ng Oscar Award para sa mga pelikula.

Ilan sa mga Winners ng Merlin Award ay famous na sina Criss Angel, David Copperfield, Jeff McBride, Shin Lim at marami pang Iba.

Nakuha din ni Lemon ang 2 minutes magic competition Champion sa kanyang Performance sa Thailand International magic extravaganza na ginanap noong nakaraang Oktubre 19-23 sa Bangkok Thailand sa halos labing dalawa sa 2 minutes magic at labing walong kalahok sa senior category ay isa si Dashing Lemon na taga Cabanatuan City ang nagkamit ng Pinakamataas na parangal na handog niya sa lahat ng mga Novo Ecijano at sa Buong Bansa

Si Dashing Lemon ay miyembro ng Inner Magic Club (IMC) at isa sa Founder ng Nueva Ecija Magician Ventriloquist Clown Society (NEMVCS), isa rin siya sa finest and award-winning magicians sa Pilipinas, halos hindi na mabilang ang kanyang mga nakuhang award sa iba’t ibang mga competition, Champion narin ito sa Indonesia Virtual Magic, Talentadong Novo Ecijano Grand Champion at sa Sikat ka TV48 Grand finalist.