NOVO ECIJANONG TRICYCLE DRIVER, NANALO NG LIBRENG CONDOMINIUM SA GLOBE G RAFFLE RUSH
Isang hindi inaasahang sorpresa ang dumating sa buhay ng isang tricycle driver mula sa San Isidro, Nueva Ecija, matapos siyang manalo ng isang bagong condominium unit sa G Raffle Rush ng Globe noong Setyembre 2024.
Si Resty Trinidad, 47-anyos, ay isa nang proud owner ng isang yunit sa Avida Astrea, Fairview, Quezon City na isang premyong hindi niya inaakalang matatanggap mula sa kanyang dalawang dekadang pagiging loyal na Globe subscriber.
Kasama ang kanyang mga magulang at extended family, patuloy na nagsisikap si Resty sa kanyang pamamasada ng tricycle at e-loading business upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Ngunit sa tulong ng Globe Rewards, nagkaroon siya ng pagkakataong magkaroon ng sariling tahanan.
Noong nakaraang taon, nagbigay ang G Raffle Rush ng pagkakataon sa mga Globe customers na ipalit ang kanilang reards points sa raffle entries, kung saan ang bawat point ay katumbas ng limang entries.
Bukod sa condominium unit, kabilang sa mga premyo ng G Raffle Rush ang luxury vacation sa Palawan, isang BYD Dolphin Electric Vehicle, dalawang Gogoro Jego smart scooters, ₱120,000 SM shopping vouchers, Samsung S24+ at HUAWEI Pura 70 Pro smartphones, at limang ₱100,000 GCash prizes.
Nagpapatuloy ang Globe sa pagbibigay ng sorpresa sa kanilang mga loyal subscribers sa pamamagitan ng All-New Rewards program.
Magsisimula muli ang susunod na G Raffle Rush sa Pebrero 24, kung saan pwedeng manalo ng all-expense paid trips, GCash, at shopping vouchers bago mag-expire ang Globe Rewards Points sa Marso 31.

