unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Nueva Ecija Drug Treatment and Rehab Center, pinuri ni DDB USec Gilberto DC Cruz

Posted by philpiccio | Aug 9, 2022 | 0

Nueva Ecija Drug Treatment and Rehab Center, pinuri ni DDB USec Gilberto DC Cruz

Nueva Ecija Drug Treatment and Rehab Center, pinuri ni DDB USec Gilberto DC Cruz

Pinuri ni Dangerous Drug Board UnderSecretary Gilberto DC Cruz ang pagkakatatag ng Nueva Ecija Drug Treatment and Rehabilitation Center na nasa Brgy. Ganaderia, Palayan City, sa ginanap na Drug Summit sa Convention Center, noong Biyernes, August 5, 2022.

Sa talumpati ni USec. Cruz ay sinabi nitong nakita niya ang puso sa paglilingkod ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng drug rehab na ito upang matulungan ang mga kababayang nalulong sa droga.

Aniya, nagkakaloob sila ng Php5-Million hanggang Php10-Million sa mga Local Government Units na nakikiisa sa kampanya ng pamahalaang nasyunal kontra droga at tumutulong sa mga nalihis ng landas dahil dito.

Sa inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan na pondohan at itayo ang rehabilitation center upang tugunan ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang iligal na droga at sa pakikipag-ugnayan ng Ako ang Saklay Incorporated ay inihayag ni USec. Cruz na kabilang ang lalawigan ng Nueva Ecija sa kanilang susuportahan at pagkakalooban ng tulong pinansyal para sa mas lalo pang ikabubuti ng serbisyo ng naturang pasilidad.

Nagpahayag din ito ng paghanga sa vision at mission ng proyekto at sinabing maituturing na number 1 ang Nueva Ecija Drug Treatment and Rehabilitation Center pagdating sa Provincial level.

Sa mensahe naman ni Vice Governor Anthony Umali ay sinabi nitong mula noon hanggang ngayon ay malinaw ang kanilang tindig at pangarap ni Governor Aurelio Umali na mailayo sa iligal na droga ang mamamayan ng lalawigan.

Dumaan man sa napakaraming pagsubok ang probinsya ay sinikap pa ring sugpuin ang illegal na droga sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ngunit hindi aniya natatapos sa paghuli sa mga ito ang obligasyon ng pamahalaang panlalawigan kundi ang maibalik sila sa kanilang mga pamilya para magbagong buhay.

Sa datos na iprinesenta sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program out of 849 barangays sa lalawigan ng Nueva Ecija ay nasa 614 barangays na ang drug cleared at nasa 195 pa ang natitirang drug affected barangays.

Share:

PreviousTree Planting ng Bb. Nueva Ecija 2022, ginanap sa bayan ng Talavera | TV48 Station
NextPinaka matandang dyaryo sa Nueva Ecija, nagdiwang ng ika-58 taong anibersaryo

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PDRRMC MEETING, TUMALAKAY SA IBA’T IBANG  BAYAN NA SINALANTA NG HABAGAT

PDRRMC MEETING, TUMALAKAY SA IBA’T IBANG BAYAN NA SINALANTA NG HABAGAT

July 22, 2015

Bahay ni San Jose sa bayan ng San Antonio, kumakalinga sa mga inabanduna at nawawalang bata

Bahay ni San Jose sa bayan ng San Antonio, kumakalinga sa mga inabanduna at nawawalang bata

September 12, 2014

Matinding pagsisikip ng trapiko sa Bangad at Pangatian, perwisyo sa mamamayan

Matinding pagsisikip ng trapiko sa Bangad at Pangatian, perwisyo sa mamamayan

March 4, 2015

Kaso ng dengue sa Nueva Ecija, tumaas ng 2% sa taong 2017

Kaso ng dengue sa Nueva Ecija, tumaas ng 2% sa taong 2017

January 12, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .