NUEVA ECIJA, PATULOY NA NANGUNGUNA SA MPBL AT NBL

Patuloy na pinapakita ng mga koponan mula sa Nueva Ecija ang kanilang lakas sa iba’t-ibang basketball leagues ngayong season.

Sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Manny Pacquiao Basketball League 2025 Season 5, hindi mapigilan ang Nueva Ecija Rice Vanguards matapos makuha ang kanilang ika-16 anim na sunod na panalo at wala pang talo.

Tinalo nila ang Cebu City Sharks, sa puntos na 108-78, noong Huwebes, June 19, sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Sa pangunguna ng beteranong si John Wilson, Nick Demusis, at si Jammer Jamito, nagpakawala ng matinding opensa ang Rice Vanguards sa second half at umabot pa sa 35 points ang kanilang pinakamalaking kalamangan.

Sa pinakahuling tala ng MPBL nitong June 22, Nueva Ecija ang may pinakamahabang winning streak at nananatiling walang talo sa elimination round ng MPBL na may tatlumpong koponan, at hawak nila ang 16 – 0 record.

Hindi lamang sa MPBL nangingibabaw ang Nueva Ecija. Sa NBL Pilipinas Governors’ Cup, nagwagi rin ang Nueva Ecija Granary Buffalo laban sa Zambales Constructicons, na may puntos na 103-96, noong Biyernes, June 20 sa Nagaño Gym, San Leonardo, Nueva Ecija.

Nagpakitang-gilas si Juan Roman “Juancho” Tolentino na may 24 points at tinanghal na GlutaMax Men Best Player of the Game.

Ang sunod-sunod na panalo ng mga koponan mula Nueva Ecija ay patunay ng matibay at malakas na basketball program sa lalawigan na suportado ng Nueva Ecija Provincial Government sa pangunguna nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali.

Buong suporta ang ibinibigay ng Kapitolyo sa mga koponan, sa pamamagitan ng pagsagot sa allowance at mga kagamitan ng mga manlalaro.