NUEVA ECIJA SWIMMER, RECORD BREAKER SA BATANG PINOY 2025
Isang makasaysayang tagumpay ang naitala ng Nueva Ecija Swimming Delegation sa Batang Pinoy 2025 Aquatics-Swimming Competition, matapos masungkit ni Chad Louis Gabato ng Manlalangoy’s Swimming Team ang bronze medal at sabay na magbasag ng record sa 50-meter Butterfly event sa oras na 00:28.84.
Tunay na ipinamalas ni Gabato ang galing, disiplina, at puso ng isang Novo Ecijanong atleta, isang karangalan na naglagay sa Nueva Ecija sa mapa ng pambansang kompetisyon sa swimming.
Kasabay ng tagumpay na ito, ipinagmamalaki rin ng lalawigan ang mga batang manlalangoy mula sa White Orcas Swimming Team na sina Khuen Airah Lozano at Elice Rein German, na matagumpay ding nagbigay karangalan sa Nueva Ecija sa parehong torneo.
Si Khuen Airah Lozano ay nagtala ng mga sumusunod na ranggo:
Top 7 sa 50m Breaststroke (over 53 swimmers)
Top 9 sa 200m Breaststroke (over 40 swimmers)
Top 13 sa 100m Breaststroke (over 52 swimmers)
Rank 25 sa 50m Butterfly (over 69 swimmers)
Rank 31 sa 50m Freestyle (over 73 swimmers)
Samantala, si Elice Rein German naman ay nakapagtala ng mga sumusunod na marka:
Rank 55 sa 200m Freestyle (over 79 swimmers)
Rank 61 sa 50m Backstroke (over 90 swimmers)
Rank 67 sa 100m Freestyle (over 103 swimmers)
Rank 73 sa 50m Butterfly (over 97 swimmers)
Rank 88 sa 50m Freestyle (over 115 swimmers)
Lubos ang pasasalamat ng delegasyon sa buong Provincial Government ng Nueva Ecija, sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at Pamahalaang Panglungsod ng Palayan City, sa patuloy na suporta sa mga batang atleta.
Nagpaabot din sila ng pasasalamat sa Collaborative Swimming Coaches of Nueva Ecija sa kanilang paggabay at dedikasyon, maging sa mga magulang at miyembro ng swimming community ng lalawigan sa kanlang pagtutulungan upang maiangat ang antas ng lokal na isport.
Ang Nueva Ecija Swimming Delegation ay binubuo ng 12 Qualified swimmers mula sa iba’t ibang swimming teams/clubs sa lalawigan na kinabibilangan ng Manlalangoy’s Swimming Team, Nueva Ecija White Orcas Swimming Team, Nueva Ecija Baby Shark Swimming Club, Nueva Ecija Blues Shark at Aquastride Swimming Club.

