BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Nadakip ng kapulisan ang tinaguriang Number 8 Most Wanted Person sa Nueva Ecija sa kanilang isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Camp Tinio, Cabanatuan City.
Kinilala ang suspek na si Rogelio Adriano y Gabunton, 27-year-old, at residente ng naturang lugar.
Base sa report na isinumite kay Provincial Director Richard Caballero, 9:00 AM nang arestuhin ng mga elemento ng Cabanatuan City Police ang suspek para sa kasong Violation of RA 7610, na may recommended bail na Php200,000.000.
Ang akusado ay nasa kustodiya ngayon ng Cabanatuan Police Station

