Nangangailangan ang bansang Austria ng professional workers para sa sector ng kalusugan at Information Technology/Engineering Sectors.

Sa impormasyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW), nasa P124,000 – P186,000 kada buwan ang sweldo ng mga nagta-trabaho sa hospital.

Nasa pagitan naman ng P155,000- P255,000 ang buwanang sahod ng Nurse o healthcare workers habang P186,000- P373,000 sa IT/Engineering sector.

Mayroon din umanong tsansa na maging permanenteng residente sa Austria ang mga aplikanteng matatanggap sa trabah, maging ang kanilang kamag-anak ay maaari ring magtrabaho sa Austria.

Sa ngayon ang sahod ng mga Nurse sa Pilipinas ay nasa P15K hanggang P33K bawat buwan at sa mga engineer naman ay nasa P18K hanggang P38k bawat buwan ayon sa jobstreet.