ONION COLD STORAGE SA LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ, KUMPLETO NA

Ininspeksyon ni Governor Aurelio “Oyie” M. Umali ang Onion Cold Storage na itinayo sa compound ng Nueva Ecija Fruits and Vegetables Seed Center ng CLSU sa Barangay Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Ayon sa Office of the Provincial Agriculture, kumpleto na ang pasilidad ng nasabing imbakan ng sibuyas at inaasahang ngayong taon ay bubuksan na ito. Hinihintay na lamang umano na mai-ayos ang serbisyo ng kuryente nito.

Matatandaan na sa inisyatiba ni Gov Oyie at Department of Agriculture sa ilalim ng Philippine Rural Development Project ay ipinagawa ang cold storage upang suportahan ang mga magsisibuyas sa lalawigan na tinaguriang ‘Onion Basket of Asia’.

March 24, 2024 nang magsagawa ng ground breaking ceremony at sumunod na buwan ay kagaad sinimulan ang konstruksiyon nito.