OPLAN BLOODLETTING, ISINAGAWA NG KAPISANAN NG MGA BROADCASTER O KBP NUEVA ECIJA

Matagumpay na naisakatuparan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Nueva Ecija Chapter o KBP NE, sa SM City Cabanatuan noong Hunyo 29 ang Oplan Bloodletting.

Umabot sa mahigit 8,750 cc ng dugo ang naipagkaloob ng mga iba’t ibang organisasyon gaya ng mga sundalo mula sa 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Fort Ramon Magsaysay, PNP Nueva Ecija, Rotary, SM City Cabanatuan, Nueva Ecija Professional Eagles, maging mga Reservist ay katuwang sa bloodletting activity na pangunahing itinaguyod ng KBP NE at Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center.

Ayon kay KBP-NE chairperson Joy Galvez-Dominado station manager ng 101.5 Bigsound fm, taon taon isinasagawa nila ang ganitong bloodletting para makatulong sa malaking pangangailangan ng dugo ng mga pasyente sa ibat ibang hospital sa lalawigan, at ito na ang kanilang pang 11 taong programa.

Ayon sa Redcross Nueva Ecija kailangan ng 1 porseyento ng populasyon na mag donate ng dugo na aabot sa 20 libong bags para sa lalawigan kaya napakahalaga na makapag donate ng dugo dahil kailangan din ng 2 hanggang 3 bags ng dugo bawat pasyente sa mga hospital.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Galvez sa bawat nakilahok na ibat ibang organisasyon na tinatawag niyang bayani, dahil sa pinakamapayapang paraan dumanak ang kanilang dugo o Heroes of KBP Oplan Bloodletting.