Aprubado sa 7th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang paglagda ni Governor Aurelio Matias Umali sa Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa paglalabas ng P20,000,000 additional funds para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Assistant Provincial Social Welfare Development Officer Marijune Munsayac, ang additional funds ay ipapamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng AICS program.
Ito ay makakatulong umano sa mga gastusing medikal, burial at financial ng mga Novo Ecijano, lalo na sa mga mas nangangailangan.
Dagdag pa ni Asst. PSWDO, sinusuring mabuti ng mga social workers ang mga beneficiaries upang maibigay sa mga karapat-dapat ang nasabing financial assistance.
Samantala, iminungkahi naman ni Board Member Belinda Palilio, na dapat ay mayroong criteria ang PSWDO kung saan gagamitin ang financial assistance nang sa gayon ay maging maayos ang distribusyon nito at hindi madoble ang nakukuhang cash grants ng mga benepisyaryo mula sa ibang programa ng pamahalaan.
Sagot naman ni Asst. PSWDO, ito ang isa sa kanilang iniiwasan kaya naman mayroong bracket ang kanilang tanggapan na kada-tatlong buwan lang maaaring kumuha ng 1,000 hanggang 10,000 ang bawat beneficiaries upang makatanggap din ang iba pang nangangailangan.

