P20K NA HALAGA NG SRI, APRUB NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN PARA IPAGKALOOB SA MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO NG NUEVA ECIJA
Aprubado sa 44th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan ni Governor Aurelio Umali para sa paglalaan ng pondo para sa pagkakaloob ng Service Recognition Incentives (SRI) sa mga casual at permanent employee ng Provincial Government ng Nueva Ecija para sa taong 2024, alinsunod sa Administrative Order No. 27.
Ayon kay Acting Budget Officer Billy Jay Guansing, base sa istatistika ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO) ang pamahalaang panlalawigan ay mayroong 1817 na mga empleyado at ang bawat isa ay makatatanggap ng Php20,000.
Ang SRI ay taunang ipinagkakaloob ng Lokal na Pamahalaan ng lalawigan sa pamumuno ni Governor Oyie bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga kawani para sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Dagdag ni Guansing, nakapag-identify ng available savings o pondo ang Local Finance Committee mula sa Personal Services mula January hanggang September 30, 2024 na nagkakahalaga ng Php36, 340, 000 upang masuportahan ang pamamahagi ng SRI.
Inaasahan namang matatanggap ng mga kawani ang insentibo sa December 26-27, 2024 para sa masaganang pagdiriwang ng bagong taon.

