P5-B PONDO, INILABAS NG DBM PARA SA AICS; 411K PILIPINO, MAKIKINABANG

Mahigit 411,000 mahihirap na Pilipino ang makatatanggap ng tulong matapos ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5 bilyong pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matugunan ang kakulangan sa pondo sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances ng DSWD.

Ang naturang pondo at katumbas nitong Notice of Cash Allocation (NCA) ay kukunin sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Pinaliwanag ng kalihim na ang unprogrammed funds ang nagsisilbing “financial lifeline” ng pamahalaan sa panahon ng krisis at kalamidad, dahil nagbibigay ito ng agarang tulong nang hindi nilalabag ang itinakdang fiscal program ng Kongreso.

Sa mga regular na pagkakataon, ginagamit umano ang unprogrammed funds upang suportahan ang mga pangunahing programa ng pamahalaan tulad ng tulong para sa mga magsasaka ng palay, mga social protection programs gaya ng AICS at Food Stamp Program, higher education subsidies, health infrastructure, personnel benefits, renewable energy, at modernisasyon ng national defense.

Kamakailan, humarap si Pangandaman sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang ipaliwanag ang proseso ng National Expenditure Program (NEP) at General Appropriations Act (GAA), gayundin kung paano ginagamit at nilalabas ng DBM ang unprogrammed funds.

Ipinunto ng kalihim na ang Kongreso pa rin ang may hawak ng power of the purse sa ilalim ng Konstitusyon.

Nagpasalamat naman ang ilang netizen sa mabilisang aksyon ng pamahalaan upang matulungan ang mga nangangailangan.