PAG-UWI NG 220 PINOY NA PINAGKALOOBAN NG PARDON SA UAE, PINOPROSESO
Kasalukuyan na umanong pinoproseso ng Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang ‘documentary at administrative requirements’ para sa agarang pagbabalik dito sa Pilipinas ng 220 Filipino na pinagkalooban ng pardon na itinaon sa okasyon ng ika-53 National Day ng United Arab Emirates (UAE).
Ang mga ‘pardoned individuals’ ay nakadetine sa UAE dahil sa iba’t ibang pagkakasala.
PANOORIN po natin ang pasasalamat na Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kina His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan at Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum.

