PAGBAGAL NG 2.4% SA INFLATION RATE NG BANSA, DAHIL SA MALAWAKANG AKSYON NI PBBM

Bumagal ang inflation rate sa Pilipinas para sa pinakamahihirap na 30 percent pamilyang Pilipino sa 2.4 percent nitong Enero 2025 kumpara sa 3.6 percent noong Enero 2024 ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Malaking bahagi umano ng pagbagal ng inflation ang malawakang aksyon at mga epektibong programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mapanatili ang presyo ng bilihin at mapagaan ang buhay ng pinakamahihirap na pamilyang Pilipino.

Pangunahing sinasabing dahilan sa pagbagal ng pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Enero ay ang mas mababang inflation sa pabahay, tubig, at kuryente na mula sa 2.8 percent noong nakaraang buwan ay bumaba ito sa 2.4 percent dahil umano sa mas maayos na energy policies and adjustments sa presyo ng kuryente.

Idinagdag pa dito ang mas mababang inflation sa restaurant at accommodation services sa 3.4 percent mula sa 3.6 percent noong Disyembre 2024, na nangangahulugang lumalakas muli ang turismo sa bansa.

Habang 1.7 porsiyento umano sa transportasyon ang ibinababa dahil sa mas maayos na kontrol sa presyo ng gasolina at mga programang sumusuporta sa public transport.

Nagkaroon din ng deflation o pagbaba ng presyo ng mga bilihin partikular sa bigas na nasa -2.3 percent sanhi ng sinasabing patuloy na suporta ng gobyerno sa agrikultura.