unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

PAGHAHAIN NG COC PARA SA 2026 BSKE, ITINAKDA MULA SETYEMBRE 28 HANGGANG OKTUBRE 5

Posted by philpiccio | Jan 30, 2026 | 0

PAGHAHAIN NG COC PARA SA 2026 BSKE, ITINAKDA MULA SETYEMBRE 28 HANGGANG OKTUBRE 5

Itinakda ng Commission on Elections ang paghahain ng Certificates of Candidacy para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026.

ELECTION PERIOD SA 2026 BSKE, MAGSISIMULA SA OKTUBRE 3 HANGGANG NOBYEMBRE 9, 2026

Batay sa COMELEC Resolution No. 11191, na naglalaman ng iskedyul ng mga aktibidad para sa halalan sa Nobyembre 2, 2026, magsisimula ang election period sa Oktubre 3 at magtatapos sa Nobyembre 9, 2026.

Nilinaw ng Comelec na bagama’t magsisimula ang paghahain ng COC sa Setyembre 28, bawal ang anumang uri ng pangangampanya mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 21, 2026, alinsunod sa mga patakaran bago ang opisyal na campaign period.

Sa loob ng election period, ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at iba pang deadly weapons sa mga pampublikong lugar, paggamit ng private security personnel o bodyguards ng mga kandidato, pagbuo ng reaction o strike forces, pagsuspinde ng mga halal na opisyal, at paglilipat o pagdedetalye ng mga kawani ng pamahalaan nang walang pahintulot ng Comelec.

Itinakda naman ang opisyal na campaign period mula Oktubre 22 hanggang Oktubre 31, 2026. Sa panahong ito, bawal ang pagtanggal o pagsira ng mga legal na campaign materials, paggamit ng iligal na campaign propaganda, at pamimigay ng pera o anumang bagay na may halaga, cash man o in kind.

MGA BAWAL SA BISPERAS NG HALALAN- COMELEC

Ayon pa sa Comelec, mahigpit ding ipagbabawal ang pangangampanya, pagbebenta at pag-inom ng alak, at pagbibigay o pagtanggap ng libreng transportasyon, pagkain, inumin, o iba pang benepisyo sa bisperas ng halalan sa Nobyembre 1.

Sa araw ng halalan, isasagawa ang botohan mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon, na susundan agad ng bilangan ng boto, canvassing, at proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Itinakda rin ng Comelec ang Disyembre 2, 2026 bilang deadline ng pagsusumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidato.

Samantala, target ng Comelec na makapagparehistro ng hindi bababa sa dalawang milyong kabataang botante para sa nalalapit na BSKE. Sa panayam noong Enero 23, 2026, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na magtatayo ang ahensya ng satellite registration sites upang mas mapadali ang voter registration, lalo na para sa mga kabataan.

Ayon kay Garcia, tinatayang apat na milyong bagong botante ang maaaring marehistro, kung saan kalahati ay mga kabataang boboto para sa Sangguniang Kabataan, na may edad 15 hanggang 24 taong gulang.

Batay sa datos ng Comelec hanggang Enero 18, 2026, may kabuuang 1,356,410 rehistradong botante para sa BSKE, kabilang ang 1,028,835 regular voters at 327,575 SK voters. Ang voter registration ay muling binuksan noong Oktubre 20, 2025 at magpapatuloy hanggang Mayo 18, 2026, ayon sa Comelec.

Share:

PreviousSINADYA UMANONG PANUNOG SA MGA JEEPNEY SA BULAON, SAN FERNANDO, INIIMBESTIGAHAN
NextHIGIT 2,000 NA LINDOL SA SULTAN KUDARAT, NAITALA NG PHIVOLCS

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

COMELEC, SINIGURO NA HINDI MADADAYA ANG BOTO SA BAGONG AUTOMATED COUNTING MACHINE

COMELEC, SINIGURO NA HINDI MADADAYA ANG BOTO SA BAGONG AUTOMATED COUNTING MACHINE

August 24, 2024

DA, TINIYAK NA SAPAT ANG SUPLAY NG BIGAS SA 2024

DA, TINIYAK NA SAPAT ANG SUPLAY NG BIGAS SA 2024

December 21, 2023

25 HORNBILLS, NASABAT SA SARANGANI CHECKPOINT

25 HORNBILLS, NASABAT SA SARANGANI CHECKPOINT

October 5, 2025

Mga pamilyang nakatakdang tanggalin sa listahan ng 4Ps, pinagtataguan ang DSWD

Mga pamilyang nakatakdang tanggalin sa listahan ng 4Ps, pinagtataguan ang DSWD

August 4, 2022

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .