PAGKAKAISA, BINIGYANG DIIN NI PBBM PARA SA KAPAYAAN AT KAUNLARAN NG BANSA

“Kapayaan, hindi po ang pag-aaway-away. Hindi po ang pang-aapi”. Iyan ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang talumpati sa Alyansa sa Senado para sa Bagong Pilipinas na ginanap sa Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna.

Muling pinagtibay ng pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Paliwanag niya na ang tunay na solusyon sa mga kinakaharap na hamon ng bayan ay nakasalalay sa maayos at makatarungang pagpapatupad ng batas, mas epektibong mga polisiya, at mas pinaigting na pagtutok sa trabaho at kabuhayan.

Ito umano ang mga konkretong hakbang upang makamit ang isang mas maunlad, mas matatag, at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Pilipino.