PAGKAPIT SA SALITA NG DIYOS NA NAGHATID NG TAGUMPAY SA BUHAY, TAMPOK NA PATOTOO SA CYB
Sa patuloy na selebrasyon ng Women’s Month ng Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ay kinapanayam nila si Dra. Menchu Arenas isang Radiologist at isang business owner na dumaan sa mga pagsubok at ngayon ay nag uumapaw na ang mga blessings sa buhay.
Sa panayam nina Dra. Kit at guest co-host na si Joy Senados, sinabi ni Dra. Menchie na siya ay muntik ng sumuko sa buhay noong halos magkasunod na pumanaw ang kanyang mga magulang sa edad na 22 taong gulang.
Dahil sa salita ng Panginoon ay ipinagpatuloy niya ang mamuhay ng mag isa at nakapag tapos ng pag-aaral upang maging isang ganap na doktor.
Ayon kay Dra. Menchie paalala ng kanyang ama na siya maglingkod sa taong bayan. Kaya naman mismong si Dra. Menchie na ang dumadalaw sa iba’t ibang bayan upang makapag basa ng diagnosis ng mga pasyante.
Ngayon, bukod sa pagiging isang doktor ay isa na ring business woman si Dra. Menchie, isa sa kanyang business ay maging co-owner ng Skinsthetics by Strands and Strokes na matatagpuan sa Gramco building, Cabanatuan City.
kwento ni Dra. Menchie ang pinaka malaking blessing na kanyang natanggap sa buhay ay ang bigyan siya ng sariling pamilya na kanyang makakasama sa buhay.
Nag iwan naman ng paalala si Dra. Menchie sa mga katulad niyang babae ma sinusubok ng panahon at nahihirapan sa kanilang propesyon.

