PAGKILOS NG CHINA SA WEST PHILIPPINE SEA, MAPANGANIB; DAPAT UMANONG LABANAN

Tiniyak ni National Defense Secretary Gilberto Teodoro na dapat lang na labanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga mapanganib at agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea.

Ito ang matapang na sagot ng kalihim kasunod ng paninisi ng China Coast Guard (CCG) na isang Philippine replenishment ship umano ang ilegal na pumasok sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal, kaya napilitan ang kanilang mga opisyal na gumawa ng aksyon.

Paliwanag ng CCG na hindi pinansin ng Philippine Coast Guard ang kanilang mga babala at lumapit pa rin sa kanilang mga barko na nagdulot ng banggaan.

Komento ni Defense Chief Teodoro, gagawin ng AFP ang lahat upang ipatupad ang mandato na protektahan ang territorial integrity at soberanya ng Pilipinas.

Dahil ang mga kilos at pag-uugaling ipinapakita ng China ay ang hadlang sa pahayag na kapayapaan at katatagan sa rehiyon.