PAGRESPONDE SA VEHICULAR ACCIDENTS, TUTUTUKAN NG PDDRMO SA NUEVA ECIJA
Binusisi at hinimay-himay sa apat na araw na review ang mga plano at mga programa ng Disaster Risk Reduction and Management Council ng mga bayan at lungsod sa Nueva Ecija sa pangunguna ng Office of Civil Defense Region 3 na ginanap sa Provincial Old Capitol, Cabanatuan City noong May 27 hanggang May 30, 2025.
Sa ginawang review ng provincial committee, lahat ng apat na government unit sa apat na distrito ay nagpresenta ng local disaster risk reduction and management plan.
Layunin nito na makapag bigay ng tamang gabay at suporta upang mas maging maayos ang pagtugon sa mga naka-ambang sakuna o panganib sa ating paligid alinsunod sa Republic Act No. 10121, NDRRMC Memorandum No. 147 s. 2017 at iba pang kahalintulad na batas.
Ayon kay Calma, tututukan nila ang training ng barangay officials and workers sa pagresponde sa mga aksidente sa kalsada na natukoy nila sa review na kadalasang nagaganap sa ating lalawigan.
Patuloy naman ang pamamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno nina Governor Aurelio at Vice Governor Anthony Umali ng service vehicles sa mga barangay na nagsisilbing ambulansiya, kaya kapag naturuan ang mga opisyal ay makatutulong ito na masagip ang buhay ng mga biktima ng aksidente sa kalsada.

