Naglunsad ng press conference ang Philippine Statistics Authority (PSA) Nueva Ecija sa pangunguna ng Chief Statistical Analysis na si Engr. Elizabeth Rayo kung saan inilahad ang inflation rate ng lalawigan para sa buwan ng February 2024.
Base sa report ng PSA, mas bumilis ang pagtaas ng mga presyo ng mga produkto ngayong Pebrero kumpara noong buwan ng Enero taong kasalukuyan na umabot sa 9.5 percent inflation rate.
Ang commodities na food and non-alcoholic beverages ay nagtala ng 10 percent inflation rate, na 69.2 percent ang naiambag sa kabuuang rate sa Nueva Ecija.
Paliwanag ng national PSA sa kanilang press release na may petsang March 5, 2024 na ang mabilis na pagtaas ng halaga ng mga pagkain tulad ng gulay ay sanhi ng pagbaba ng supply nito taun-taon.
Nandito ako ngayon sa palengke ng Cabanatuan City dito sa Kapitan Pepe, kung saan napag-alaman natin na ang presyo ng bigas noong Enero ay pumalo ng P52.00 hanggang P60.00 per kilo at hindi ito nagbago noong sumunod na buwan ng Pebrero.
Ang presyo naman ng mga gulay gaya ng talong ay umabot ng P60.00 kada kilo noong January, na naging P80.00 noong February.
Ang okra ay P80.00 na naging P90.00, samantalang hindi gumalaw ang halaga ng ampalaya sa P80.00.
Ang karne ay P350.00 per kilo noong Enero at naging P360.00 noong Pebrero.
Habang ang housing, water, electricity, gas at other fuels ay nagtala ng 9.9 percent na nakadagdag din ng 15.1 percent.
At sa darating na buwan ng Abril nga ay may announcement na ang Cabanatuan Electric Corporation na magtataas ng singil sa kuryente.
Samantala, ayon pa rin sa PSA Nueva Ecija 9 percent ang total inflation na kabuuang ambag ng transportation.
7 percent naman sa clothing at footwear, 5.9 percent sa health, 4.3 percent sa personal care and miscellaneous, goods and services, at 3.6 percent sa furnishing household equipment and routine house maintenance.
Pero, bumaba naman ang inflation rate ng recreation, sports, and culture na nagtala ng 3.6 percent.
Sagot naman ni Engr. Rayo sa katanungan kung paano poprotektahan ang mga manggagawa na mga minimum wage earners laban sa mataas na halaga ng pangunahing bilihin, ay magsusulong umano ng solusyon ang kanilang ahensya sa national government upang proteksyunan ang mga mamamayan sa mataas na gastusin kabilang ang mga estudyante.
Sa kabuuan, ang Nueva Ecija ay pangalawa sa buong Region 3 na mayroong 6.9 percent inflation rate, at pangatlo naman sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang Region 3 na mayroong mataas na inflation rate.

