Nagtaas na ng singil sa kuryente ang Cabanatuan City Electric Corporation na sinimulan noong buwan ng Abril.
Paliwanag ng CELCOR sa kanilang abiso, ito ay dahil sa pag tatapos ng 10-year contract nila sa isang hydro-electric producer noong February 25, 2024.
Ibig sabihin, bago pa man matapos ang kanilang kontrata sa First Cabanatuan Venture Corporation noong taong 2018, ang CELCOR ay pumasok na sa sampomg taong kontrata sa sinasabi nilang hydro-electric producer noong 2014 habang nakakontrata pa sila sa FCVC.
Ito ay isang malinaw na paglabag sa ERC Case No. 2018-086 RC para sa patuloy na operasyon ng FCVC at CELCOR.
Matatandaan na noong 1998 ay lumagda ng 20 year contract ang FCVC na isang bunker fired powerplant para sa direktang distribution system ng CELCOR.
Noong July 30, 2018, bago matapos ang kontrata ng FCVC at CELCOR, nag apply ang CELCOR sa ERC para aprubahan ang kanilang inihahain na Proposed rate para sa patuloy na operasyon at pagpapanatili ng FCVC.
Sa nasabing aplikasyon ng CELCOR, idineklara na dahil gumagana pa ng maayos ang FCVC, direkta nang i-kokonekta sa CELCOR ang actual na operasyon nito na walang karagdagang konsiderasyon sa pagtatapos ng kanilang Power Purchase Agreement (PPA).
Mas magiging mura at praktikal umano para sa CELCOR kung mananatili ang operasyon at maintenance ng naturang power plant, dahil ito ang magbibigay ng kaukulang porsyento ng kanilang power supply kapag kulang ang supply sa mercado.
Pero hindi binabanggit ng CELCOR sa ERC na nagkaroon na pala sila ng kontrata sa isa pang hydro-electric producer mula pa noong 2014.
Ayon sa CELCOR, ang kasalukuyan nilang pinag kukuhanan ng power supply matapos ang kontrata nito sa hydro-electric producer noong February 2024, ay ang Wholesale Electricty Spot Market, at ito ang nagging basehan nila ng pagtataas ng singil mula noong Abril.
Ang tanong, Aprubado ba ng ERC ang pagtataas ng kanilang singil?
Napag-alaman noong August 31, 2022 pa nag-apply ang CELCOR sa ERC para sa pag-apruba ng kanilang panukalang presyo ng kuryente na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinutugunan o nireresulba ng ERC.
Ang ERC ay kasalukuyang nagsasagawa ng mga pampublikong pandinig na sinimulan noong March at magtatagal hanggang October 2024 sa iba’t ibang bahagi ng bansa patungkol sa petisyon na inihain ng National Power Corporation (NPC) noong November 28, 2023 na humingi ng apruba sa iminumungkahing bagong rates na binabayaran ng mga consumers sa mga off-grid na lugar ng bansa.
Alinsunod sa ERC Rules of Practice and Procedure Rule 9 ng 2006, sinumang mamimili ay maaaring maghain ng kanilang komento sa naturang aplikasyon ng CELCOR.
Ako po si Philip ‘Dobol P’ Piccio para sa Balitang Unang Sigaw!

