PAGTIGIL SA PAMAMASLANG NG MGA MAMAMAHAYAG, INAASAHAN KASUNOD NG ZERO KILLINGS NA ULAT NG CPJ
Inihayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pag-asa na sana’y tuluyan nang matigil ang pamamaslang sa mga mamamahayag ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
Kasunod ito ng ulat ng New York-based nonprofit na Committee to Protect Journalists na walang naitalang kaso ng journalist killing sa Pilipinas noong taong 2024. Ito ang unang beses na nangyari ito sa loob ng dalawang dekada.
Umaasa rin ang NUJP na mareresolba ang mga dati pang kaso ng media killings at matigil ang iba pang pang-aatake sa midya.

