PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG NUEVA ECIJA, TOP GOVERNMENT TAX PAYER
Kabilang sa mga pinarangalan ng Bureau of Internal Revenue – Revenue Region 4 (BIR-RR4) ang Provincial Government of Nueva Ecija bilang top tax payer sa hanay ng mga Local Government Unit.
Ang 2025 Tax Campaign Kick-Off, na may temang “Buwis na Tapat, Tagumpay nating Lahat”, ay dinaluhan ng mga taxpayers sa buong RDO-23B, ginanap ito noong March 25, 2025 sa Cinema 1, 3rd Floor, SM Megacenter, Cabanatuan City.
Ayon kay Atty. Jose Maria Ceasar San Pedro, Provincial Administrator ng Nueva Ecija, parehong karangalan at responsibilidad ang maparangalang Top Tax Payer sa buong BIR RDO-23B.
Paalala niya sa mga taxpayers na huwag kalimutan magfile ng annual income tax return sa April 15, 2025. Hinikayat niya ang lahat na magbayad ng tamang buwis na responsibilidad natin para makatulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas.
Sa response speech ni Atty. Joma San Pedro, bilang representate ng kapitolyo, sinelyohan niya ang commitment ng PGNE sa pagtulong sa pagpapatupad ng mga mandato ng Kawani at sa RR4 hangga’t nakapailalim pa ito sa 23B.
Sa panayam kay Atty. Bayani S. Ebdane, OIC Revenue District Officer ng RDO 23B-South Nueva Ecija, sinabi nito na maganda ang pasok ng taon sa Distrito na may target na 6.2B collection para sa buong taon. Bagaman naaabot ng Distrito ang month-to-month target nito, para sa buong Marso ay kinakailangan pa ng humigit-kumulang na Php72-M para sa buong buwan, pero confident aniya ang RDO 23B na maaabot “with flying colors” ang target para sa taon.
Isa umano sa mga hamon ng BIR RR4 ay ang paghikayat sa mga mamamayan na magbayad ng tamang buwis sa tamang oras at pagbibigay ng tulay sa pagitan ng BIR at mga taxpayers, kaya naman isa sa mga programang inilunsad ng BIR ay ang digitalization.
Nagpasalamat naman sa mga top tax payers sa RDO-23B sina Atty. Ferrer at Atty. Ebdane.

