Babala! Sensitibong Balita:
Nadakip ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pag-ambush at pagpatay sa dating ABC President ng Bulacan na si Ramilito Capistrano, kasama ang kanyang driver na si Shedrick To-ribio, matapos ang isinagawang manhunt operation noong umaga ng Enero 14, 2026 sa Barangay Tres Krusis, Tanza.
Batay sa ulat na ipinarating ni Chief Intelligence Lt. Colonel Russel Dennis Re-bonario kay PNP Provincial Office of Bulacan Director Col. Angel Garcil-lano, kinilala ang inarestong suspek na si Ulysis Hernani C. Pascual, isang dating opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group na dati umanong nakatalaga sa Camp Crame.
Ang naturang pag-aresto ay kaugnay ng pamamaril na naganap noong Oktubre 3, 2025 sa Barangay Ligas, Malolos, kung saan nasawi si Capistrano at ang kanyang driver.
Nauna na ring nasakote ng mga intelligence operatives sa Navotas ang isa pang suspek na kilala sa alyas na “Lupin,” na pinaniniwalaang may direktang partisipasyon sa krimen.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng pulisya laban sa dalawa pang itinuturing na suspek na kinilalang sina alyas Cesar Mayoralgo Gallardo Jr. at alyas Jeff.
Ayon sa imbestigasyon, ang mga nasakoteng indibidwal ay hinihinalang sangkot sa serye ng mga kasong may kaugnayan sa “gun-for-hire” sa Gitnang Luzon at mga karatig-lalawigan.
Samantala, muling iginiit ni Ponce Rogelio Peñones Jr., Director ng Police Regional Office 3, ang kahalagahan ng kooperasyon ng mamamayan at kapulisan upang mabilis na maresolba ang mga krimeng nagaganap sa rehiyon.

