Mayroong isang sikat sa buong mundo na “Cliff Village”, Isang pamayanan na matatagpuan sa tuktok ng bundok na may taas na , 2624 feet na matatagpuan sa Liangshan, Sichuan Province, China, na dating kilala bilang Atuleer Village, na may 72 pamilyang nakatira.

Noong 2016 nang kumalat sa social media ang mga larawan ng mga batang mag-aaral na umakyat sa mapanganib na lugar para lang makapag-aral.

Alam niyo ba kung papaano sila umaakyat at bumababa dito? Sa pamamagitan ng hagdan na gawa lamang sa baging at sa rattan. Ito ang mga bagay na ginamit ng mga mamamayan sa paggawa ng hagdan na tinatawag na sky ladder.

Ito ang tanging inaasahan na daan patungo sa baba ng bundok. Mahigit isa’t kalahating oras ang pagbaba sa mga hagdan habang dalawang oras naman paakyat. Kapag iyon ay sa mga mamamayan na mga sanay na sa delikadong paglalakbay

May 8 katao na ang namatay sa pag-akyat sa matarik at marupok na mga hagdan. Ilan sa mga ito ay mga turista at maging mga nakatira mismo sa nayon.

Dahil sa napakadelikadong hagdan ayon sa mga residente araw-araw ay nasa panganib ang kanilang buhay sa pag-akyat at baba sa nasabing hagdan.

Dahil sa social media ay namulat ang gobyerno ng China sa kalagayan ng mga mamamayan sa Atuleer Village. Makikita sa larawan ang mga inosenteng bata na marahil ay hindi lubos na naiintindihan ang panganib na kanilang nakasanayan.

Ang mga larawang ito ang nagtulak sa gobyerno ng China para palitan ang hagdan ng mas matibay na bakal at nagkaroon na rin ng relokasyon ng mga nakatira sa taas ng bundok sa isang resettlement apartment.

Kaya gumawa nang hakbang ang gobyerno ng China para matulungan ang mga residente sa kanilang napakadelikadong sitwasyon.

Noong 2020, 84 na pamilya ang inilipat sa resettlement. Ang kanIlang apartment ay meron nang modernong pasilidad gaya ng kusina, comfort room, ilaw at tubig. Ang mga bahay ay subsidized ng gobyerno.

Bawat mamamayan ay kailangang magbayad ng kabuoang 10,000 yuan kung may apat na miyembro ng pamilya sa bawat bahay na lilipatan.

Pero hindi lahat ay lumipat sa modernong village, dahil ang iba naman ay hindi iniwan ang kanilang tahanan sa Cliff Village.

Tinatayang 30 pamilya ang nanatili sa kanilang tirahan. Sila ang nakakatulong sa gobyerno sa pagpapaunlad ng turismo gaya ng pamamahala sa mga bahay tuluyan at pagiging guide sa mga turista. Plano rin ang gobyerno na i-develop ang lugar bilang isang vacation resort.

Balak itong gastusan ng hanggang 630 million yuan para sa pagpapagawa ng mga cable cars. May 100,000 turista ang bumisita sa Cliff Village noong 2019.