SENSITIBONG BALITA
PAMILYA NG MGA BIKTIMA NG PAMAMARIL SA PENARANDA, HUMIHINGI NG TULONG
Nananawagan ng tulong at humihingi ng hustisya ang pamilya ng apat na mga napatay sa naganap na pamamaril sa Bgy. Callos, Penaranda noong October 9 ng gabi.
Kinilala ang mga nasawing biktima na lahat ay residente ng General Tinio, Nueva Ecija at mga obrero sa ulingan na sina Melvin Gonzales, 27 years old; Jay-ar Quizon, trenta’y syete anyos; Reynaldo Quizon; at Joseph Valdivicio, kapwa38 years old. Habang tatlo ang nasugutan.
Base sa post ng kapamilya nina Jay-ar at Reynaldo, ang kanyang kapatid at bayaw ay dating tour guide at bangkero sa Minalungao National Park, ngunit nawalan sila ng trabaho nang ipasara ito.
Kaya napasok aniya ang mga ito sa pagkakahoy pero natigil din dahil bawal. Dahil sa kagustuhang mapakain ang pamilya ay nauwi sila sa pamumulot ng patay at itinatapong baboy.
Alas syete umano ng gabi noong Lunes, pauwi na ang mga biktima sakay ng kolong-kolong galing sa piggery nang harangin at pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan na mga naka-bonnet.
Humihingi siya ng tulong sa kung sino man ang nakasaksi sa insidente ay mangyaring magbigay sana ng impormasyon sa mga awtoridad.

