PAMPANGA GIANT LANTERN NAGNINGNING BILANG NORTH DIVISION CHAMPION SA MPBL 2024
Muling Nagningning ang Pampanga Giant Lanterns, Matapos na tinalo ang San Juan Knights, sa score na 81-73, para mapanatili ang korona sa North Division ng Manny Pacquiao Basketball Legue o MPBL na ginanap noong Lunes (Nov. 11, 2024) sa home court ng Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Ipinakita ng mga Kapampangan ang lakas ng kanilang suporta para makuha ang game 2 sa San Juan Knights ni Senator Jingoy Estrada, umiskor ang Giant Lanterns ng huling walong puntos upang putulin ang best-of-three series, 2-0, at mapanatili ang pagiging unang back-to-back national champ ng MPBL.
Daan-daang mga tagahanga ang hindi nakapasok sa loob at nagtiyaga na lamang sa panonood ng laro sa higanteng LED screen sa tabi ng convention center.
Pinangunahan ni reigning MVP, si Justine Baltazar ng Pampanga na gumawa ng 24 puntos, 18 rebounds, apat na assist at dalawang steals upang makakuha ng mga karangalan bilang pinakamahusay na manlalaro.
Ang iba pang Giant Lantern na naghatid kay Pampanga coach Gov. Dennis DELTA Pineda ay sina Archie Concepcion na may 19 puntos at tatlong rebound, Encho Serrano na may 11 puntos, apat na rebound, apat na assist at dalawang steals at Brandon Ramirez na may pitong puntos, siyam na rebound at tatlong steals.
Bilang bonus, nakatitiyak na ang Giant Lanterns sa paglalakbay sa Dubai, UAE, kung saan gaganapin ang unang dalawang laro ng MPBL National Finals sa Disyembre 1 at Disyembre 3.
Makakaharap ng Giant Lanterns ang mananalo sa South Division Finals sa pagitan ng Batangas City Tanduay Rum Masters at Quezon Huskers.

