Pananampalataya sa Kabila ng Kahirapan binahagi sa programang Count Your Blessings ni dating Governor Czarina “Cherry” D. Umali, isang kuwento ng pag-asa ang umantig sa madla. Ibinahagi ni Pastor Fernando Bustamante mula sa Nueva Ecija ang kaniyang karanasan sa pananampalataya at sakripisyo. Hindi naging madali ang kaniyang simula. Sa katunayan, hinubog siya ng matinding kahirapan noong kaniyang kabataan. Ngunit para sa kanya, ito ang naging paghahanda ng Diyos sa kaniyang calling sa ministry.
Nagsimula siya bilang isang working student bago tuluyang nakapagtapos sa Bible college. Pinatunayan ni Pastor Bustamante na ang tiyaga at pagsunod sa Panginoon ay susi sa tagumpay. Gayunpaman, mas matinding pagsubok ang hinarap niya sa kaniyang unang pastoral assignment. Marami ang tumanggi sa kaniyang mensahe. Nakaranas din siya ng panganib sa mga komunidad na kaniyang pinagsilbihan. Sa kabila ng mga banta, nanatili siyang matatag at tapat sa misyon.
Pananampalataya sa Kabila ng Kahirapan: Kuwento ni Pastor Bustamante
Malaki rin ang papel ng kaniyang asawa sa tagumpay ng kanilang ministeryo. Nagtrabaho ito sa ibang bansa upang suportahan ang kanilang pamilya at ang gawaing espirituwal. Dahil sa kanilang pagkakaisa, unt-unting naitatag ang mga simbahan sa iba’t ibang lugar. Lumawak ang kanilang paglilingkod at mas maraming buhay ang naabot ng salita ng Diyos. Ang kanilang sakripisyo ay nagbunga ng mga komunidad na may takot sa Maykapal.
Sa huling bahagi ng panayam, nag-iwan ng mahalagang mensahe ang pastor sa publiko. Huwag umanong matakot sumunod sa Diyos kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon. Ayon sa kanya, ang tunay na tawag ng Panginoon ay laging may kasamang biyaya at katapatan. Ang kuwento ni Pastor Bustamante ay paalala na ang kahirapan ay hindi hadlang sa paglilingkod. Sa halip, ito ay nagsisilbing pundasyon ng isang mas matatag na pananampalataya. Ang bawat pagsubok ay may kalakip na pagpapala kung tayo ay mananatiling tapat.

