BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Arestado sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Nueva Ecija Police ang Number 2 Most Wanted Person sa Region 3 noong April 3, 2024.

Kinilala ang suspek na si BERNIE SALAZAR JR. y Managhaya, 23 years old, construction worker, at residente ng Barangay Sinasajan, Peñaranda, Nueva Ecija.

Base sa report ng kapulisan, ala una nang hapon nang ihain sa bahay ni Salazar ang Warrant of Arrest for Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Ang suspek ay Number 2 Most Wanted Person din sa provincial level, at Number 10 sa Municipal level sa bayan ng Peñaranda.