PANGANGALAGA, RESPETO SA MGA FILIPINO SA UAE, IPINARATING NI PBBM KAY PRESIDENT AL NAHYAN

Personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan na bumisita rin dito sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang maikling working visit doon.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa pulong nila ni UAE President Al Nahyan, ipinarating niya ang pagpapahalaga sa pangangalaga at respeto ng Filipino community doon.

Bilang tugon, pinuri ng pangulo ng UAE ang kontribusyon ng mga Filipino sa pag-unlad ng kanilang bansa.

Tinatayang nasa humigit-kumulang isang milyong Pinoy ang nasa UAE, kaya pangalawa ang bansa sa pinakamalaking employer ng mga Filipino expat kasunod ng Saudi Arabia.

Ipinahayag din ni Marcos ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Al Nahyan para sa suporta ng UAE dito sa Pilipinas, kabilang ang pag-aresto at paglilipat ng isang sex trafficker sa mga awtoridad ng ating bansa, pagsasanay at suporta para sa Philippine National Police (PNP), pagpapatawad sa 143 Filipino noong Eid al-Adha ngayong taon at sa tulong sa mga biktima ng mga kalamidad.

Kaya naunawaan umano ni Sheikh Al Nahyan na kailangan niyang putulin kaagad ang kanyang pagbisita doon at bumalik dito noong umaga ng November 27, 2024 upang dumalo sa relief at reconstruction activities sa mga lugar na sinalanta ng mga sunod-sunod na bagyo.