PANGARAP NA SARILING BARANGAY HALL NG BRGY. BURGOS, SAN LEONARDO, TINUPAD NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Barangay Burgos, San Leonardo, Nueva Ecija, isang bagong dalawang palapag na multi-purpose building na nagsisilbing barangay hall.

Ayon kay Kapitan Jomar Pestan̈o, matagal nang pangarap ng mga taga-Brgy. Burgos na magkaroon ng sariling barangay hall. Nakagisnan na umano niya na nanghihiram lamang sila ng lote at nangungupahan ng gusali.

Kaya pagkaupo nila sa posisyon sa Sangguniang Barangay ay kaagad silang humiling sa Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno nina Governor Aurelio at former Vice Governor Anthony Umali ay tinugunan naman ito at naging daan para matupad ang kanilang pangarap.

Malaki ani Kapitan Pestan̈o, ang kaibahan ng pagkakaroon ng sariling gusali kumpara sa nangungupahan lamang. Dagdag pa niya, nais pa nilang maisaayos ang ilang pagawain sa kanilang lugar para sa mas komportableng pamumuhay ng kanilang mga kabarangay.

Sa huli, nagpasalamat si Kapitan Pestan̈o sampu ng kanyang mga kasamahan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagtupad ng kanilang pangarap.