PANGULONG MARCOS, PERSONAL NA NAGBIGAY NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG KRISTINE SA CAMARINES SUR

Nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng Bagyong Kritine si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang personal siyang bumisita sa Bula, Camarines Sur noong October 26, 2024.

Sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ipinaabot ng pangulo ang cash assistance upang tulungang makapagsimulang muli ang mga biktima.

May karagdagan pang food packs ang ibinigay sa mga pinayagang makauwi na sa kanilang mga tahanan.

Nangako ang Pangulong Marcos na patuloy na maglalaan ng tulong ng gobyerno hanggang sa tuluyang makabangon ang mga lubhang naapektuhan ng nasabing bagyo.