PANIBAGONG TAAS-PRESYO SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, EPEKTIBO NA

Bad News para sa ating mga motorista dahil may dagdag singil nanaman sa mga produktong petrolyo na nagsimula nitong martes, April 29, 2025.

Sumipa sa P1.35 kada litro ang presyo ng gasolina, P0.80 naman sa diesel, samantalang P0.70 sa kerosene.

Sa Cabanatuan City, Shell Crossing gas station P57.40 ang presyo ng Fuel Save diesel, P65.10 ang V-Power Diesel, P60.20 ang Fuel Save Gasoline, P64.30 ang V-Power Gasoline, at P69.85 ang V-Power Racing.

Habang sa Petron Crossing gas station naman P50.80 ang presyo ng Diesel, P52.80 ang Turbo Diesel, P53.10 ang Xtra advance, at P54.10 ang XCS.

Samantala sa Caltex Bantug Norte gas station P57.29 ang Diesel, P61.44 ang Silver, at 64.44 sa platinum.

Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), Ang dahilan ng pagtaas ng produktong petrolyo ngayong linggo ay ang pagpigil ng Amerika laban sa Iran sa kanilang oil shipping network at ang hindi inaasahang pagbagsak ng oil supply sa Amerika.

Noong nakaraang linggo, umakyat din sa mahigit piso kada litro ang presyo ng mga produktong pretolyo. Nadagdagan ng 1 pesos and 35 centavos kada litro ang presyo ng gasolina, 1 peso and 30 centavos kada litro ng diesel at 1 peso and 10 centavos naman ang kerosene.