PANLILIGAW, NAGING DAAN UPANG MAPALAPIT SA PANGINOON ANG ISANG BINATA
Nagtungo sa Sitio Bacao, Brgy. Doña Josefa, Palayan City ang Team CYB kung saan ibahagi ng isang lingkod ng Diyos na si Michael Adamos sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ang kanyang testimonya sa kabutihan Ng Panginoon.
Bago naging Pastor ay naging isa umano siyang binata na mahilig manligaw ng babae.
Ayon kay Pastor, nagsimulang lumago ang kanyang relasyon Sa Panginoon sa maling motibo, dahil sinipagan niyang magtungo sa simbahan upang makita ang babaeng kanyang nililigawan.
Maliban sa kanyang dahilan na nais niyang makita ang kanyang nililigawang babae, ay sinubukan na rin niyang magbasa ng bibliya.
Kwento ni Pastor Michael, taong 2009 siya nagsimulang mapalapit sa kanyang relihiyon dahil ang kanyang ina ay matagal na ring kristiyano.
Dalawampu’t limang taon na aniya siyang Pastor sa kanilang simbahan, ngunit noong simula ay hindi aniya malapit ang kanyang loob sa Panginoon.
Katulad ng ilang Pastor, ay noong una ay hindi rin ninais ni Pastor Michael na maging Pastor. Sa kadahilanang walang sahod ang propesyon at nakapagtapos din siya ng ilang vocational courses.

