PANUKALANG DOBLENG PLAKA, GAGAWING ISA NA LANG DAHIL SA BACKLOG

Inaprubahan ng bicameral conference committee nitong Martes na gawing isa na lang ulit ang plaka sa mga motorsiklo makaraang talakayin ang pag-amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act, na kilala rin bilang Doble Plaka Law.

Naging batas ang Republic Act 11235, o Doble Plaka noong 2019 na layunin din na lakihan ang plaka na ilalagay sa harap at likod ng motorsiklo upang mabilis itong matutukoy kapag ginamit sa krimen.

Ayon kay Senador JV Ejercito, miyembro ng bicameral panel, na mas mahalaga na magkaroon ng plaka ang mga motorsiklo kahit isa lang kaysa dalawa na hindi naman kayang ibigay na umabot na sa 9 million na backlog.

Sinabi naman ni Sen. Francis Tolentino, isa sa hindi sang-ayon sa Senado sa panukalang batas na ito, na dapat sa likod lang ng motorsiklo ilalagay ang plaka at wala nang plaka sa harap.

Sinabi rin ng senador na nangako umano ang Land Transportation Office (LTO) na tutugunan ang problema sa backlog ng mga plaka sa June 2025, pero inaasahang aabot ito sa June 2026.

Inalis din sa pinal na bersiyon ng panukala ang paglalagay ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers sa mga motorsiklo.