PATULOY NA PAGTAAS NG KASO NG MENTAL HEALTH, IKINABAHALA NG PMHA
Ikinabahala ng Philippine Mental Health Association Incorporated ang patuloy na pagtaas ng kaso ng mental health sa bansa.
Batay sa grupong binubuo ng mental health professionals and advocate, kinakailangan na ng malawakang atensiyon, suporta at aksiyon para matugunan ito dahil maituturi na ang sakit na isang silent epidemic o isa nang namumuong epidemya.
Sinabi ni PMHA President Dr. Cornelio Banaag Jr. Na itinuturi ring ama ng child psychiatry sa Pilipinas, ang pagdami ng kaso ng lusog- isig ay simula pa noong kasagsagan at pagkatapos ng mga lockdown dulot ng ng COVID-19 pandemic kung saan bata man o matanda, may kaya o wala ay apektado na ng sakit.
Base sa report ng Department of Health, maituturi na ring karaniwang disability ang mental illness o sakit sa pag-iisip sa Pilipinas dahil nasa 3.6 milyong Pilipino ang may hinaharap na mental neurological at substance abuse disorder.
Gayunpaman, limitado pa rin na makakuha ng mental health services sa bansa bunsod ng kakulangan sa resources at mental health worker sa bawat 100,000 na Pilipino na dumaranas nito.
Kaya nanawagan ang PHMA ng whole-of-society approach o buong lipunang pagtugon para malaman ng bawat Pilipino ang tamang pagsususuri, pag-aalaga at paggamot sa usaping mental health.
Kinakailangin din na maiging ipatupad ang Philippine Mental Health Law o Republic Act No. 11036 at magtulung- tulong ang pamahalaang nasyunal at lokal, pribadong sektor, mga health care provider at paaralan sa pagtgon sa sakit.
Samantala, aprubado na sa ikatlo ang huling pagbasa ang panukalang State Universities and Colleges Mental Health Service Act o House Bill 6416 na magbibigay ng prayoridad sa mental health ng mga estudyante.
Sinabi ni Quezon City Representative PM Vargas na ayon sa ulat ng Departent of Education ay 404 estudyante ang nagpakamatay at 2, 147 mag-aaral naman ang nagtangkang magpakamatay noong school year 2021-2022.
Binigyan-diin ni Vargas na kinakailangan na maisabatas ang panukala para mabawasan ang stigma o diskriminasyong nararanasan ng mga apektadong tao.

