PAYO NI DOC. PARA SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN
Hi mga mars, it’s me again Star Rodriguez-Piccio para sa ating Beauty, Health at iba pang Tips. And today pag-usapan naman natin kung papaano ba pinangangalagaan ng mga Doktor ang kanilang sarili.
Ang mga doktor ang sinusunod natin pagdating sa pangangalaga ng ating kalusugan, ngunit sila kaya paano nila pinangangalagaan ang kanilang kalusugan?
Narito ang apat na tips mula kay Dr. Vaishali Solao, Head at Senior Consultant – Critical Care sa Fortis Hospital sa Mulund.
- Pagbalanse ng trabaho at personal na buhay-Ang paglalagay o pagtatakda ng hangganan sa pagitan ng trabaho at tahanan ay maaaring maging partikular na mahirap. Gayunpaman ito ay mahalaga para sa ating mental health. Sa tahanan ka dapat makakakuha ng panibagong lakas. Nagbibigay-daan ito sa katawan at isipan na makapagpahinga at maibalik ang enerhiya na ginamit sa buong araw. Sa oras at panahong ito ay maaari tayong mag pokus sa ating mga libangan at gugulin ang oras para makasama ang pamilya at mga kaibigan.
- Pag ehersisyo araw-araw- Ayon kay Dr. Solao, ang mga doktor ay madalas na nagmumungkahi sa kanilang mga pasyente na gumawa ng ilang uri ng pisikal na aktibidad o maglakad ng 30 minuto araw-araw dahil maraming benepisyo ang makukuha dito.
- Malusog na diet at mga gawi sa pagtulog – Dapat tayong maglaan ng oras upang kumain ng pagkaing mayaman sa nutrisyon. Ang pagkain at pagkakaroon ng sapat na tulog ay parehas na mahalaga. Ang pagtulog ay nauugnay sa stress, ehersisyo, at isang maayos na diet. Habang sinusunod natin ang isang malusog na diet, dapat nating iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
- Sumunod sa preventing care- Mahalaga na matiyak na tayo ay magpacheck-up, magpa-screening, at magpabakuna dahil sa pamamagitan nito maaga nating matutuklasan at maiiwasan ang sakit.
Tandaan na bilang mga nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan, ay mahalaga din ang inyong mga sariling kalusugan upang patuloy na magampanan ang tungkulin sa bayan.

