Natapos sa tabla ang 2024 PBA All-Star ang Team Mark laban sa Team Japeth, 140-140 noong Linggo ng gabi sa University of St. La Salle gymnasium sa Bacolod City.
Sa paghabol ng Team Mark sa huling minuto, 131-140, nagpakawala ng magkasunod na 3 point shots si Robert Bolick at ang kanyang pinakawakalang malaking 4-pointer points shot upang tulungan ang kanyang koponan na maitabla sa 140-140 all na may kasamang foul para sa bonus free throw.
Nagtapos ang laban na tabla dahil walang overtime sa All Star Game.
Tinanghal na Final MVP si Bolick, kasama si Japeth Aguilar, bilang All Star Most Valuable Players.
Si Bolick ay may 13 puntos, 10 sa fourth quarter, habang si Japeth ay may 21 points.
Ito ang unang pagkakataon mula noong 2017 na ang All-Star Game ay nagtapos sa isang draw.
Pinangunahan naman ni CJ Perez ang Team Barocca na may 39 big points, katulong si Captain Mark na may 20 points.
Nagtapos din si RR Pogoy ng 25 puntos para sa Team Japeth.
Tinanghal namang 3 points Champion si Raymond Almazan ng Meralco Bolts sa Big Man Category, at si Calvin Oftana ng TNT naman sa point guards edition, at Jm Calma ng North port naman ang nahirang na Champion sa obstacle course.
Aliw na Aliw naman ang mga fans sa dance showdown ng mga Allstar players, kung saan nagpakita ng gilas sina Junmar Fajardo at Calvin Abueva na parang akala mo ay mag ama.

