Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na marami nang naisakatuparan ang administrasyong Marcos sa loob ng kulang dalawang taon nito sa serbisyo.
Sa oathtaking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sinabi pangulo na sa maikling panahon at marami ng nagawa at naumpisahan ang administrasyon dahil sa “unity, open at engaging approach.”
Nanawagan din ang Pangulo sa mga miyembro ng PFP na patuloy na palakasin ang partido.
Kaya naman sinisikap ng administrasyon na hikayatin ang lahat ng political faction na tanggapin ang adbokasiya ng PFP na may kinalaman sa pag-unlad ng ekonomiya at para rin sa kapakanan ng mga tao.
Umaasa rin siyang makakatanggap ng suporta mula sa publiko ang PFP para sa darating na eleksyon sa susunod na taon.
Maliban sa pagtataguyod ng ekonomiya, ipinaglalaban din ng administrasyon ang soberanya ng bansa.

