PBBM, NANINDIGANG IPAGTATANGGOL ANG SOBERANYA, INTERES SA WPS SA KABILA NG PANGGIGIPIT NG CHINA
Naninindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi matitinag ang Pilipinas sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.
Ipinangako ng pangulo na patuloy na pangangalagaan ng pamahalaan ang integridad at interes ng bansa sa sakop na teritoryo.
Sa press conference sa Palasyo, sinabi ni Marcos na nananatiling matatag ang polisiya ng bansa sa kabila ng presensya ng monster ship ng China sa WPS.
Binigyang-diin ng pangulo na magpapatuloy ang pagpapatrolya ng mga sasakyang-pandagat ng bansa kahit pa sa gitna ng panghaharas ng China.
Nagpayahag naman ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard na hindi hadlang ang kakulangan ng mga asset para bantayan ang territorial sea ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos Jr. na prayoridad ng pamahalaan na siguruhing ligtas na makakapamalaot ang mga mangingisda sa nasabing karagatan.

