Kapag tayo ay pumupunta sa palengke ay nakikita natin ang karaniwang mga bilihin gaya ng prutas, isda, gulay o karne.
Pero dito sa Hargeisa City, Sumaliland sa Africa, kakaiba ang kanilang ibinebenta dahil imbes na pambili ng paninda ay pera ang kanilang ibinebenta sa tinatawag na open money market!
Ang mga vendors ay nagbebenta ng milyones na pera o bumibili din sila ng pera. Kung mayroon kang isang dolyar, papalitan nila ito ng 8,530 na sumaliland shilling.
Ang isang bundle na pera ay nagkakahalaga ng isang milyong sumaliland shilling o katumbas ng 8,500 sa pera natin dito sa Pilipinas kaya kung may 10,000 ka dito sinisigurado kong mayroon ka nang milyones.
Bakit kaya ang baba ng value ng pera nila at bakit kaya ibinebenta nila ang kanilang pera sa palengke at sa bangketa pa sila nagbebenta ng kanilang milyones na pera samantalang dito sa Pilipinas bantay sarado ang mga bangko at sa maliit na halaga ay ninanakaw pa ang pera?
Ang Sumaliland ay binansagan na bansang hindi nag-e-exist. Dahil ang pera doon ay ginagamit upang tustusan ang mga armas sa giyera ng rehiyon laban sa mga armadong grupo at ang mga opisyal ang nag-iimprenta ng maraming pera para sa karagdagang layuning pampulitika hanggang sa bumagsak ang halaga ng kanilang pera taon-taon
Ang Bangko Sentral ng Somalia ay kabilang sa mga pambansang institusyon subalit nasira ito ng mahigit dalawampung taon na civil war kaya mula noon ang kalsada na nagsisilbi nilang bangko ay kalaunan naging hanapbuhay na rin ng mga tao ang pagbebenta ng pera sa kalsada.
Iniiwan lamang ng mga mamamayan doon ang milyones na pera na walang bantay kapag sila ay nagsisimba.
Nilalagyan lang nila ng net at wala ring gwardya o mga pulis n arumoronda dahil tiwala ang mga Somalia na walang magnanakaw sa kanilang mga pera dahil ligtas at payapa ang kanilang lugar at higit sa lahat halos wala namang halaga ang kanilang pera.
Madalang din gumamit ng kanilang pera ang mga Sumali dahil wala rin namang halaga ang mga ito at madalas na peke dahil marami ang nag-imprenta nito.
Para sa malalaking transaction kailangan nilang gumamit ng dollar at mobile money o yung tinatawag na Gcash dito sa Pilipinas.
Ang sumaliland ay isang autonomous region ng somalia na matatagpuan sa bansang Africa na may populasyon na 4,100 million katao noong 2020 ayon sa Central Statistic Department ng Sumaliland. Ang Sumaliland naman ay dating kolonya ng Great Britain na kilala bilang British Sumaliland.

