PHIBER REBAR, PAMALIT SA BAKAL; MATIBAY PERO MURA, ECO-FRIENDLY PA!

Dahil sa sunod-sunod na pagyanigng lupa sa iba’t ibang parte ng mundo, pinangangambahan ngayon ang pagdating sa Pilipinas ng “The Big One” na maaring makapinsala ng maraming buhay at imprastraktura.

Kaya naman noong 2018, ipinakilala ng Mahanaim Consulting and Development Inc. o MCDI sa Carmona, Cavite ang isang inobasyon sa construction field. Ito ang Phiber Rebar, isang Glass Fiber Reinforced Polymer na gawa sa fiber, polymer resin, at epoxy na di hamak na mas matibay at mas kaya raw tumagal sa lindol kesa sa nakasanayan na steel rod.

Ayon kay Ayanna Ferrer, parte ng isang construction business sa Nueva Ecija malaki raw ang tyansang gamitin at ikonsidera nila ang paggamit nito sa kanilang mga proyekto.

Ngayong Abril nag bukas na ang pinakabagong branch ang Phiber Rebar sa Cabanatuan City.

Sa nagbabantang “The Big One” mahalagang pagtuunan ng pansin ang paggamit ng mas matibay na materyales gaya ng Phiber Rebar. Sa pamamagitan ng ganitong mga inobasyon, mas napapalakas ang ating mga gusali at imprastraktura, isang hakbang tungo sa mas ligtas na kinabukasan.