PHILHEALTH, SAGOT NA RIN ANG SALAMIN SA MATA AT WHEELCHAIR PARA SA MGA MIYEMBRO

Magandang balita dahil sasagutin na rin ng Philippine Health Insurance Corporation ang mga prescription glasses at ilang mga kagamitang ginagamit ng Persons with Disabilities para sa mga miyembro nito simula Enero 2025.

Ito ay bunsod ng pakiusap ni House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal ng Philhealth para hilingin sa ahensiya na gawin nang libre ang salamin sa mata, wheelchair, walker at saklay na siyang madalas na inilalapit sa mga mambabatas.

Sinabi ni PhilHealth President at CEO Mandy Ledesma, pipilitin nilang mabuo ang polisiya kaugnay sa libreng gamit sa PWDs ngayong taon upang mapakinabangan na ng mga benepisyaryo sa susunod na taon.

Ang nasabing kahilingan ay bahagi pa rin ng programa ng administrasyon na tulungan ang mga mahihirap, matatanda, PWDs at mga may sakit na Pilipino.

Samantala, kamaikailan lang nang itaas ng PhilHealth ang benefit package rate para sa hemodialysis mula P2,600 per session patungong P4,000 alinsunod sa kahilingan ng liderato ng Kongreso.